Skip to main content

Barangay Suclayin Inter-Color Basketball League 2024, Sinimulan na!

Kaganapan noong Ika – 10 ng Pebrero, araw ng Sabado:
Pormal ng sinimulan ang Barangay Suclayin Inter-Color Basketball League 2024 na ginanap sa Barangay Suclayin Covered Court. Arayat.
22 na koponan ang maglalaban-laban sa nasabing paliga. Ito ay parte para sa selebrasyon ng kanilang kapistahan sa April 05, 2024.
Dumalo sa nasabing opening ang ating Mahal na Mayora Maria Lourdes “Madir” Alejandrino, kasama sina Vice-Mayor Emmanuel “Bon” Alejandrino, SB Member Edith Kabigting, Marissa Samson, at Kambal Hipolito. Dumalo din sina ABC President Kap. Geraldo De Castro at SK President Christian Noah Caingat.
Nakisama sa kasiyahan ang ating mga lingkod bayan na kung saan nagbigay ng suportang pinansyal ang ating Mahal na Mayora sa nasabing paliga. Gayundin, binigyan niya ang mga BHW Suclayin at Bantay Bayan ng Brgy. Suclayin.
#MasiglangArayat
#KayMadirTayoAyVeryDear

Official Website of the Municipality of Arayat