Skip to main content

Libreng Ligation mula sa Alagang Madir

Kaganapan ngayong araw ng Huwebes, Ika – 29 ng Pebrero:
Handog ng Alagang Madir ang Libreng Ligation sa 30 na kababaihan sa Bayan ng Arayat. Ito ay para sa Family Planning Method: Bilateral Tubal Ligation na isinagawa sa Dr. Emigdio C. Cruz Sr. Memorial Hospital, Arayat, Pampanga.
Sa pangunguna ng ating mahal na Mayora Maria Lourdes “Madir” Alejandrino, personal niyang binisita at kinamusta ang mga kababaihang magpapa-ligate.
Para sa kaalaman ng lahat, ang BTL o Bilateral Tubal Ligation ay isang surgical procedure na kinabibilangan ng pagharang sa fallopian tubes upang pigilan ang ovum (itlog) na mag-fertilize. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagputol, pagsunog o pag-alis ng mga seksyon ng fallopian tubes o sa pamamagitan ng paglalagay ng mga clip sa bawat tubo.
Sa pagbisita ng ating mahal na mayora ay kaniya ring kinamusta ang mga bagong panganak sa Dr. Emigdio C. Cruz Sr. Memorial Hospital, Arayat, Pampanga.
#masiglangarayat
#kaymadirtayoayverydear

Official Website of the Municipality of Arayat