Skip to main content

Lola Tarciana ng Paralaya, Arayat, Ipinagdiriwang ang kanyang Ika-100 na Kaarawan ngayong February

Masayang Ika-100 na Kaarawan Lola Tarciana!
Ipinagdiriwang ni Lola Tarciana G. Garcia ng Paralaya, Arayat ang kanyang Ika-100 na kaarawan ngayong February 27. Tumanggap si Lola Tarciana ng sertipiko ng pagkilala galing sa ating Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand Marcos Jr. Kasabay nito nakatanggap din ng P100,000.00 pesos si Lola Tarciana sa pagaantabay ng Municipal Administrator Akemi Alejandrino-Manese, kasama ang mga OSCA staff at iba pa.
“Salamat, Ginu ko!” ang tanging sambit ni Lola Tarciana na lubos ang tuwa at galak na kanyang nararamdaman.
Lubos ang pagpapasalamat ng pamilya ni Lola Tarciana sa ating mga lingkod bayan, Provincial and National Government para sa regalong kanilang ipinaabot.
#masiglangarayat
#kaymadirtayoayverydear

Official Website of the Municipality of Arayat