Skip to main content

Mga Cabalen, sa Wakas ay Nakakuha narin ng Saglit na Signal

Mga Cabalen, sa wakas ay nakakuha narin ng saglit na signal. As of now sa bayan ng Arayat, Pampanga ay wala parin power, water at food supply, nakakaiyak ang itsura ng bayan sa grabe at dami ng napinsala 😢 Nagsiliparan ang mga yero ng mga bubungan at nagsibagsakan ang mga matatanda at malalaking puno sa mga kabahayan, eskwelahan, business establishments at ilang daan kaya hindi ito passable sa ilang mga sasakyan. Sarado halos lahat, maitim ang kalangitan at umuulan parin ngayon sa bayan. Mga cabalen, kumusta sa inyong lugar? Sana ay ligtas at meron parin kayo makain. #UlyssesPh

Official Website of the Municipality of Arayat