Skip to main content

Pampanga and Bicol River Basins Public Consultation Meeting

Kaganapan kahapon araw ng Huwebes, Ika – 15 ng Pebrero:
Nagkaroon ng Consulting Services for the Conduct of Updating of Master Plan and Feasibility Study of Flood Control for Pampanga and Bicol River Basins Public Consultation Meeting na naganap sa Arayat Sports Complex, Glorietta, Arayat, Pampanga.
Kasama sa mga dumalo ang mga barangay na apektado ng mga pagbaha lalo na tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ang mga barangay ng CAMBA, MATAMO, STO. NIÑO TABUAN, at SAN MATEO na pinangunahan ng kanilang mga tagapaglingkod na sina Hon. Ricardo Basa, Hon. Christopher Cabungcal, Hon. Nicanor Miranda, Hon. Raul Guese, Hon. Roel Cabungcal, Hon. Maritess Sunga, Hon. Alfredo Sonza, Hon. Vigilia Jimenez, Hon. Jerry Guese, Hon. Josephine Chamos, Hon. Remedios Cubacob, Hon. Baltazar Tonyo.
Nagpaabot naman ng mensahe ang ating Mahal na Mayora Maria Lourdes ‘Madir” Alejandrino na pinangunahan ng Municipal Administrator na si Ms. Akemi Alejandrino Manese.
“Isang Masigla at mapagpalang tanghali po sa ating lahat!
Lubos ang aking pag-aalala sa ating mga mamamayan na naaapektuhan ng malalakas na pagbaha sa mga bayan ng Pampanga at Bicol. Ang bawat pagbaha ay nagdudulot ng malawakang pinsala sa ating mga bayan, kalakip ang pagkawala ng mga buhay at kabuhayan.
Upang masolusyunan ang patuloy na problemang ito, lubos akong sumusuporta sa pag-aaral ng mga plano at programa para sa flood control sa Pampanga at Bicol River Basins. Magkakaroon tayo nng mas malawakang kaalaman sa mga sanhi at epekto ng mga pagbaha sa ating mga bayan.
Ang mga pag-aaral na ito ay magbibigay-daan upang malaman ang mga maaaring solusyon na dapat gawin upang maibsan sa ati mga bayan.
Ang mga pag-aaral na ito ay magbibigay-daan upang malaman ang mga maaaring solusyon na dapat gawin upang maibsan ang pinsalang dulot ng mga pagbaha. Sa tulong ng mga espesyalista at mga eksperto, atin pong malalaman ang mga tamang solusyon at mga imprastraktura na dapat nating itayo.
Sa pamamagitan ng mahusay na flood control system, magkakaroon tayo ng kakayahang labanan ang mga pagbaha at mapangalagaan ang ating mga mamamayan mula sa banta ng kalamidad. Maliban dito, magkakaroon din tayo ng mas magangdang kalagayan para sa industriya at agrikultura, at pagpapalago ng ekonomiya ng ating mga bayan at lungsod.
Aking inihihikayat ang ating pamahalaan na bigyang prioridad ang pag-aaral at pagbuo ng mga solusyon para sa flood control sa Pamapanga at Bicol River Basins. Sa pamamagitan ng bunga ng ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos, sisiguraduhin natin na ligtas at maunlad ang ating mga bayan. Mas higit na bigyan ng masugid na pag-aaral ang mga ilog lalo’t higit ang aming ilog dito sa Pampanga na kung saan ito ang nagiging sanhi ng pagbaha sa aming mga barangay.
Muli, ako po ay umaasa sa inyong pagsuporta at pakikiisa sa pag-aaral na ito. Sa tulong ng bawat isa, malalampasan natin ang mga hamon na dulot ng mga pagbaha at patuloy na magpapaganda ng ating mga bayan.
Maraming salamat po at mabuhay ang bayan ng Pampanga at Bicol!”
#masiglangarayat
#kaymadirtayoayverydear

Official Website of the Municipality of Arayat