Skip to main content

PUSH: Pampanga United for Streamlining Health Towards UHC

Kaganapan kahapon, Ika – 12 ng Pebrero:
Naganap ang isang pagpupulong kasama ang ating Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice-Governor Lilia “Nanay” Pineda, ang ating Mahal na Mayora Maria Lourdes “Madir” Alejandrino, mga Alkalde galing sa iba’t – ibang bayan ng Pampanga na ginanap sa Royce Hotel, Clark, Pampanga, kahapon February 12, 2024.
PUSH: Pampanga United for Streamlining Health Towards UHC ang titulo ng nasabing pagpupulong na may temang “Strengthening Primary Health Care and Championing Local Health Governance”. Kasama ang mga bisita at panauhing tagapagsalita ay sina Corazon I. Flores, MD, MPH, CESO IV, Director IV, CLCHD, Maria Rosario S. Vergeire, MD, MPH CESO II, Undersecretary of Health at Walter B. Bacareza, Vice President for Northern and Central Luzon Concurrent Vice President for South Luzon and NCR.
Kasabay nito ang Paglagda ng ating Governor at mga Alkalde ng Pampanga ang Inter-Local Government Unit (LGU) Memorandum of Agreement para sa pagpapatupad ng province-wide health system sa Pampanga.
Layunin ng nasabing pagpupulong ang pagtugon sa serbisyong pangkalusugan na lalong pagtibayin at palakasin para sa mga mamamayan ng Pampanga.
#masiglangarayat
#kaymadirtayoayverydear

Official Website of the Municipality of Arayat