Skip to main content

Waste Management, Tinalakay ng ating Mahal na Mayora kasama ang mga School Heads ng Arayat

Kaganapan ngayong araw ng Martes, Ika – 20 ng Pebrero:
Sa pangunguna ng ating Mahal na Mayora Maria Lourdes “Madir” Alejandrino nagkaroon ng isang pagpupulong kasama ang mga School Heads ng Arayat para sa Waste Management.
Nakipag-ugnayan ang ating mahal na Mayora sa mga School Heads na magkaroon ng disiplina sa wastong pagtapon ng basura ang mga estudyante kung saan isa rito ay ang pagtatapon ng mga plastic na maaaring ipunin at gawing proyekto.
Natuwa at nagalak ang ating Mayora na ito ay naumpisahan na ng mga bawat eskwelahan sa Arayat.
Inaasahan ang pagbisita ng ating Mahal na Mayora upang personal na makabisita sa bawat eskwelahan at kasabay nito ang walang sawang suporta na makukuha ng ating mga School Heads galing sa ating butihing Mayora.
#masiglangarayat
#kaymadirtayoayverydear

Official Website of the Municipality of Arayat